2 holdaper na tumangay ng taxi, nakipaghabulan at barilan sa mga pulis-QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 holdaper na tumangay ng taxi, nakipaghabulan at barilan sa mga pulis-QC

2 holdaper na tumangay ng taxi, nakipaghabulan at barilan sa mga pulis-QC

Anna Cerezo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Inaresto ng mga pulis sa Quezon City nitong Huwebes ang isang lalaking itinuturong notoryus na holdaper.

Sa imbestigasyon, pinara umano ng suspek at kasamahan niya ang isang taxi sa bahagi ng Baclaran, Parañaque City.

Pero pagdating ng Tabayoc corner NS Amoranto Street sa Quezon City, tinutukan na ng baril ng mga suspek ang driver ng taxi.

“Nagmakaawa ako sa kanila. Sabi ko wala ako gaano pera, galing ako sa sakit... Sabi sa 'kin, 'Wala kami paki sa 'yo, sabi namin pera pera lang,'” kuwento ng nabiktimang ng taxi driver.

ADVERTISEMENT

Pero bukod sa pera at cellphone, tinangay din ng dalawang suspek ang taxi.

“Binigay ko lahat. Pagbaba ko, sabay takbo. Kinuha sa 'kin manibela,” dagdag ng biktima.

Agad nakasalubong ng biktima ang nagpapatrol na pulis, na agad nagsagawa ng hot pursuit operation.

Sa NS Amoranto inabutan ng mga pulis ang mga suspek sakay ng tinangay na taxi at nagkahabulan.

Sa kuha ng CCTV, makikitang binangga ng taxi ang motorsiklo ng isang pulis.

Pinaputukan din umano ng isa sa mga suspek ang mga awtoridad na nagresulta sa palitan ng putok.

“Doon na nakipagbarilan sa tropa. May tama siya (isang suspek) sa kaliwang braso. Tumagos sa leeg,” sinabi ni PLt Col Romil Avenido, Station 1 Chief.

Nakapagmaneho pa paalis ang mga suspek.

Habang tumatakas, nabangga rin umano nila ang isa pang motorsiklo ng delivery rider.

“Pauwi na ako… kakanan na ako, nagulat ako may bumangga sa likod ko. Taxi pala. Yun pala yung driver holdaper. Tumilapon ako sa Q Ave. Buti di ako nasagasaan ng sasakyang kasunod ko. Di ko nakita bumangga sa 'kin,” sinabi ng delivery rider na si Banjo Zagado.

“May iniinda akong sakit,” dagdag nito.

Pero hindi nagtagal, natunton din ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek.

Nakatanggap kasi ang La Loma Police Station ng impormasyon sa Galas Police Station (PS11) na may pasyenteng dinala sa ospital sa E Rodriguez Avenue na may tama ng bala.

Positibong itinuro ng biktimang taxi driver ang lalaki na isa sa nangholdap sa kanya.

Nakuha rin ang ninakaw na taxi sa emergency lobby ng ospital.

Kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ang isa pang kasamahan ng suspek.

Ayon kay PLt Col Avenido, ang insidente ay ang pang-apat nang pagnanakaw at panghoholdap sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.