TINGNAN: Mga Pinoy nag-alay ng wreath sa Rizal monument sa Madrid | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga Pinoy nag-alay ng wreath sa Rizal monument sa Madrid

TINGNAN: Mga Pinoy nag-alay ng wreath sa Rizal monument sa Madrid

Sandra Sotelo Aboy | TFC News Spain

 | 

Updated Jul 01, 2022 10:25 PM PHT

Clipboard

MADRID - Bilang paggunita sa ika-161 na kaarawan ng Pambansang Bayaning si Gat Jose Rizal, nag-alay ng wreath sa kanyang monumento sa Avenida de las Islas Filipinas sa Madrid ang Filipino community, sa pangunguna nina Philippine Ambassador to Spain Philippe Lhuillier at Knights of Rizal Vice Commander Florencio Aliganga, nitong June 19.

Rizal wreath

Nagbigay din ng mensahe si Ambassador Lhuillier sa mga Pinoy na dumalo sa nasabing okasyon.

Ayon kay Vice Commander Aliganga, taon-taon ginaganap ang pag-alay ng bulaklak sa monumento ni Rizal mula noong ito’y itinayo noong 1996.

Rizal wreath
Photo: PE Madrid FB page

Sa taong ito rin binuo ang Knights of Rizal La Solidaridad Chapter sa Madrid na sa kasalukuyan ay umabot na sa 100 ang bilang sa buong Spain.

Maliban sa mga taga-Spain, dumayo pa ang ilang miyembro at opisyales ng Knights of Rizal mula sa Italy at United Kingdom.

ADVERTISEMENT

Rizal group  shot
Photo: PE Madrid FB page

Dumalo rin sa okasyon si Dr. Carlos Puente na siyang nagbigay daan para pangalanan ang kalye na Jose Rizal Street. Layunin ng Knights of Rizal na ipakilala sa mga kabataang Pinoy na ipinanganak at lumaki sa Spain kung sino si Gat Jose Rizal at ang kaniyang kabayanihan na ginawa para sa Pilipinas.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

(Photos courtesy of Knights of Rizal -Spain)

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.