Pinay blogger nais malibot ang 196 bansa gamit ang PH passport | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinay blogger nais malibot ang 196 bansa gamit ang PH passport

Pinay blogger nais malibot ang 196 bansa gamit ang PH passport

Rowen Soldevilla | TFC News Oman

 | 

Updated Jul 03, 2022 08:32 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MUSCAT - Bata pa lang pangarap na ni Kathrina Umandap o Kach na makapaglibot sa buong mundo. Dati siyang nagtrabaho bilang Quality assurance supervisor sa isang ospital sa Kuwait.

“Ang plano ko po ay mag-take ng foreign service exam pero pagdating ko sa Kuwait parang ang daming problema parang nakaka-stress so I ended up working for a private company,” kuwento ni Kach, Pinay blogger.

Oman Tourism

Maganda ang trabaho at malaki ang suweldo ni Kach sa Kuwait pero iniwan niya ito para matupad ang kanyang pangarap.

“I was 24 years old making really good money pero parang nag-quarter-life crisis (ako) hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay so I decided to have a break,” sabi ni Kach.

ADVERTISEMENT

Escalator

Nag-umpisang bumiyahe si Kach bilang isang backpacker patungo sa iba-ibang bansa noong 2014 at balak niyang maging kauna-unahang Pinay na nakaglibot sa buong mundo gamit ang Philippine passport.

PH passport

Sa kanyang paglilibot, dito niya nakilala ang isang Briton na kanyang naging asawa. Magkatuwang na itinayo nina Kach at ng kanyang asawang Briton ang Two Monkeys Travel.

“Noong 2014 hindi pa po masyadong maraming blogger that’s when I started my Two Monkeys Travel group.com wherein doon ko po sinulat lahat ng mga istorya ng adventure ko, kung paano makakatipid ang mga Pilipino na kagaya ko na mag-travel at kung paano mag-apply ng visa na hindi ka mare-reject,” sabi ni Kach.

Pero hindi nagtagal ang pagsasama ng dalawa, ganunpaman ipinagpatuloy pa rin ni Kach ang pagbiyahe ng mag-isa.

“Marami pong mga challenges for example, noong pumasok ako ng North Korea using my Philippines passport kailangan dumaan ako at makakuha ng multiple entry visa ng China para makapasok ako ng tren papunta sa Dandong at makapasok sa border ng North Korea,” kuwento ni Kach.

Arabs

Ayon sa visa index.com pang 78 ang Philippine passport sa world ranking o maaring makapag travel ang mga Pinoy sa 66 na bansa kahit walang visa. Ibig sabihin kailangan pang mag-apply ng visa sa 136 na iba pang mga bansa. Ang Oman ang ika-172 bansa na napuntahan ni Kach.

Kach sa Oman

“So far I'm targetting to finish ung 196 pero ang bilang ko po ngayon is 172 countries and territories,” dagdag ni Kach.

World Map

Dahil dito nagkaroon na rin siya ng mga sponsors para sa kanyang mga biyahe.

“Nung nagkaroon na po ng clout ang aking social media na umabot na po ng 600 thousand like followers sa Twitter, Facebook, Instagram tapos dati umaabot ng 1 million views yung travel blog ko before COVID pa po,” sabi ni Kach.

Dahil sa dami ng bansang napuntahan samut-saring makukulay na karanasan ang kuwento ni Kach.

“Marami po akong medyo natakot, not natakot, ito po yung mga bansa na sa news na delikado pero pagpunta ko ok naman nagpunta po ako sa Venezuela, sabi nila Iran, Pakistan, at saka Afghanistan, Iraq at saka yung iba't ibang bansa sa Africa,” kwento ni Kach.

Big fish

Nakabili na ng bahay si Kach sa Herceg Novi, Montenegro noong 2019 at may sarili na ring travel and immigration services doon. Meron naman siyang tips para sa mga kababayan para madaling makakuha ng visa.

“Kapag po nakakuha na kayo ng US visa, Canadian visa, UK visa at iba ibang visa mas nakakatulong po yun sa mga application ng iba't ibang visa sa bansa because of this I have a visa immigration services na Filipino passports.com,” payo ni Kach.

Air sked

Bukod dito magkakaroon na rin siya ng programa sa Kumu app ng ABS-CBN na travel with Kach na nag-umpisa noong June 24.

Dahil lifted na ang mga travel restrictions nais ni Kach na marating ang lahat ng bansa sa buong mundo bago matapos ang taon.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.