'Murder': PH Army chief kinondena ang pagkakapatay ng mga pulis sa 4 sundalo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Murder': PH Army chief kinondena ang pagkakapatay ng mga pulis sa 4 sundalo

Chiara Zambrano,
ABS-CBN News
Published Jun 30, 2020 07:46 PM PHT
|
Updated Jun 30, 2020 08:21 PM PHT

MAYNILA — Tinawag na murder ng hepe ng Philippine Army ang ginawang pamamaril ng mga pulis sa 4 na army intelligence operatives sa Jolo, Sulu, na una nilang pinara sa isang checkpoint.

Ayon sa Philippine Army, inimbento lang ng Philippine National Police (PNP) ang spot report nila tungkol sa insidente na sinasabing nanlaban ang mga sundalo dahil wala silang armas noong mga panahong iyon.

Mismong sina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Felimon Santos, Jr. at Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay ang sumalubong sa mga napatay na sundalo.

Pero may kahalong galit ang lungkot na nadama nila sa pagdating ng mga labi nina Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, at Sgt. Jaime Velasco, ang 3 sa 4 na napatay ng mga pulis noong Lunes. Ang naiwan ay si Corporal Abdal Asula.

Sa initial report ng PNP Sulu, pinara nila sa checkpoint ang tropa nila Indammog na armado at nakasibilyan para umano kumpirmahin kung totoong miyembro nga sila ng Army.

Inutusan ang grupo na magpunta sa Jolo police station pero nagtangka raw takbuhan ng mga sundalo ang mga pulis at tinutukan pa sila ng baril.

Kaya pinagbabaril nila ang mga lalaki para ipagtanggol ang kanilang sarili.

Misencounter daw ang nangyari.
Misencounter daw ang nangyari.
Pero base sa mga retrato mula sa crime scene, walang baril sa paligid ng bangkay nina Indammog, Velasco, at Asula. Si Managuelod naman ay nasa loob pa ng sasakyan nang barilin.

Ayon kay Gapay, may sinusundan noon ang mga intel operatives na dalawang miyembro ng Abu Sayyaf. Maayos din umanong nagpakilala ang mga sundalo sa mga pulis.

Kaya para sa kanila hindi ito maling engkuwentro kundi sadyang pagpatay.

"Hindi ito misencounter. This is murder. They were killed. Rubout ito... Wala silang armas nung lumabas nila ng sasakyan, kasi alam nilang pulis ang kausap nila eh. Tingin mo kung nagkaputukan walang pulis na tatamaan doon?" ani Gapay.

Ayon sa Philippine Army, hindi totoong tinakbuhan nina Indammog ang mga pulis dahil nangyari ang pamamaril 50 metro mula sa Jolo police station kung saan sila inutusang magpunta.

Galit niyang tinawag na imbento ang laman ng spot report ng mga pulis.
Galit niyang tinawag na imbento ang laman ng spot report ng mga pulis.
ADVERTISEMENT
"We believe it was fabricated. Parang sine 'yung ginawa nilang kuwento... Tapos after nilang pagbabarilin, iniwan nila 'yung scene. Ganun ba ang SOP nila?" ani Gapay.

Pinangalanan ng Army ang siyam na pulis na sangkot sa pangyayari na mga miyembro ng Police Drug Enforcement Unit at Jolo Municipal Police alert team.

"I am invoking command responsibility. We demand the relief of the municipal and provincial chief of police… at the bare minimum."

Sa isang pahayag, nakiramay ang PNP sa mga pamilya ng yumaong sundalo at nangakong makikipagtulungan sa anumang isinasagawang imbestigasyon.

Hahawakan na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon.
Hahawakan na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon.
ADVERTISEMENT
Hihintayin naman ng Palasyo ang resulta ng imbestigasyong ito bago sila magkomento.

Pagdating ng mga labi ng team ni Indammog, kinuha na sila ng NBI para sumailalim sa autopsy.

May mga operatiba na rin ng NBI na nagpunta sa Jolo para mag-imbestiga.