Higit 100 arestado sa pagsalakay sa Makati bar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 100 arestado sa pagsalakay sa Makati bar

ABS-CBN News
Published Jun 29, 2020 01:17 PM PHT
|
Updated Jun 29, 2020 07:49 PM PHT

LOOK: Police arrest around 120 people at a bar at the 18th floor of a high-rise in Bgy. Bel-Air, Makati City for violating #COVID19 mass gathering restrictions
(šø:Makati City Police) pic.twitter.com/QmYBGQE7GC
ā Anjo Bagaoisan (įįįįįįį įįįįįįį) (@anjo_bagaoisan) June 28, 2020

MAYNILA ā Naaresto ang higit 100 tao, kabilang ang host na si KC Montero, nang salakayin noong hapon ng Linggo ng mga pulis ang isang bar sa Makati na nag-operate pa rin kahit ipinagbabawal dahil sa quarantine restrictions.

Kasama sa 113 naaresto sa bar sa condominium sa Barangay Bel-Air ang mga Pilipino at banyagang kostumer na nadatnan ng mga pulis na walang suot na face mask.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng mga ulat ang mga awtoridad ukol sa operasyon ng bar na nagdadaos ng mga pagtitipon nang hindi nasusunod ang physical distancing, ani Makati police chief Col. Oscar Jalido.

"Akala nila hindi namin sila papansinin. So they were showing the live feed of their drinking, dancing, they're partying na parang wala silang pakialam sa nangyayaring pandemic sa bansa natin," ani Jalido.

ADVERTISEMENT
Ipinagbabawal pa rin ang operasyon ng mga bar sa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Montero, unang beses lang niya sa bar nang mahuli at kakain lang sila ng kaniyang asawa.

"That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they're not allowed to open? Maybe that's my fault, I didn't do my research," ani Montero.

Dinala rin sa presinto ang halos 20 nagtatrabaho sa bar.

Iginiit naman ng kampo ng may-ari ng bar na sinunod nila ang reduced capacity na 30 percent sa mga restoran.
Iginiit naman ng kampo ng may-ari ng bar na sinunod nila ang reduced capacity na 30 percent sa mga restoran.
ADVERTISEMENT
Sa kabila nito, nahaharap ang may-ari ng bar sa patong-patong na kaso.

"'Yong mga gustong mag-party na, medyo i-hold lang muna, darating tayo diyan. Malalim 'tong kinakaharap nating problema sa COVID-19 so kung 'di tayo magtulungan definitely walang mangyayari sa atin," ani Jalido.

Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act. -- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News