4 sundalo napatay ng mga pulis sa 'engkwentro' sa Sulu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 sundalo napatay ng mga pulis sa 'engkwentro' sa Sulu

ABS-CBN News
Published Jun 29, 2020 09:39 PM PHT
|
Updated Jun 29, 2020 11:39 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Apat na sundalo ang nasawi matapos nilang makaengkwentro umano ang ilang pulis sa bayan ng Jolo, Sulu nitong Lunes.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kumander ng Western Mindanao Command, mula ang apat na sundalo sa 11th infantry Division ng Philippine Army at may official mission sa Sitio Marina, Barangay Walled City sa naturang bayan.

Malabo pa aniya ang mga report na nakararating sa kanya kung bakit humantong sa barilan ang insidente.

Sa police report mula sa police regional office sa Bangsamoro Region, sinita umano sa checkpoint ang SUV lulan ang mga nasawi na hindi nakauniporme ngunit nagpakilalang mga sundalo.

Pinapunta sila sa Jolo Municipal Police Station para sa beripikasyon.

Gayunman, hindi raw sumunod ang mga ito at pinatakbo ang van patungo sa direksyon ng Barangay San Raymundo kaya nagpaputok ang mga pulis.

Dagdag sa report, hinabol ang mga ito ng pulisya pero bumaba ang mga sakay ng SUV at itinutok umano ang kanilang mga baril sa mga pulis.

Patay ang apat na may ranggong major, captain, sarhento, at corporal. Kabilang sa mga nasawi ay dalawang military officer mula sa intelligence unit ng Army.

Pinaiimbestigahan na ni Sobejana ang insidente sa National Bureau of Investigation.
Pinaiimbestigahan na ni Sobejana ang insidente sa National Bureau of Investigation.
ADVERTISEMENT
“We don't want any escalation of hostilities out of the incident. Our interest is to know the facts and justice is given” ani Sobejana.

Tinawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na "very unfortunate incident" ang nangyari ngunit hindi pa nagbigay ng karagdagang komento dahil hindi pa umano kumpleto ang natatanggap niyang report sa insidente.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police sa pamilya ng mga namatay sa "misencounter" sa Sulu.

"The PNP leadership extends its deepest condolences to the family and colleagues of two Philippine Army officers and two enlisted men who died in the unfortunate incident of a misencounter with PNP personnel in Jolo, Sulu this afternoon,"pahayag ng PNP.

Ipinag-utos na rin ng PNP na mananatili muna sa kanilang mga quarters ang lahat ng sangkot sa insidente, partikular na ang mga miyembro ng Jolo Municipal Police Station.

Nagkasundo ang AFP at PNP na pamunuan ng NBI Regional Office sa Zamboanga City ang imbestigasyon sa insidente. --Ulat nina Arianne Apatan at Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News