Kotse bumangga sa truck sa Bacolod; driver nakaidlip

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 12:39 PM

BACOLOD - Sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ang isang truck na may kargang scrap dito sa lungsod, Sabado.

Nagtamo ng mga sugat ang 21-anyos na driver na si Denny Mahipus matapos mawasak ang unahang bahagi ng kaniyang sasakyan.

Ayon sa pulis, aminado si Mahipus na nakaidlip siya habang nagmamaneho kaya umabot siya sa kabilang linya at nabangga ang kasalubong na truck.

Sabi naman ng truck driver na si Arnell Butt, huminto na lang siya nang makitang papunta sa direksyon niya ang sasakyan na umano'y may kabilisan ang takbo.

Patuloy na ginagamot sa ospital si Mahipus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.