Ilang lugar sa South Cotabato, binaha dahil sa malakas na pag-ulan

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 02:04 PM

Photos courtesy: Ma. Elena Majaducon

TANTANGAN, South Cotabato - Binaha ang ilang lugar dito sa bayan Biyernes matapos umapaw ang ilang ilog dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Inabisuhan na ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng Barangay New Iloilo at iba pang flood-prone areas na i-monitor ang sitwasyon at agad na lumikas kung sakaling magpatuloy pa ang malakas na pag-ulan. 

Nagbabala din ang mga awtoridad na posibleng magkaroon ng mga landslide sa ilang bahagi ng bayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.