'Sagabal' na paninda at sasakyan, tinanggal sa Maynila, QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Sagabal' na paninda at sasakyan, tinanggal sa Maynila, QC

ABS-CBN News
Published Jun 29, 2018 01:16 AM PHT

Sinuyod ng awtoridad ang Maynila at Quezon City sa isinagawang clearing operations para linisin ang mga kalsada mula sa mga nakaharang na paninda at sasakyan, Huwebes ng umaga.

Hindi napigilang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng ilang may-ari ng kotse at mga awtoridad nang hatakin ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) ang ilang sasakyang ilegal na nakaparada sa Sta. Mesa Heights, Quezon City.

"Wala kayong dalang sulat, basta bigla nalang kayong naghahatak," anang isang residente.

Nagkaroon din ng sorpresang operasyon sa Dapitan street, Quezon City na kilalang bilihan ng mga dekorasyong pamasko.
Nagkaroon din ng sorpresang operasyon sa Dapitan street, Quezon City na kilalang bilihan ng mga dekorasyong pamasko.
ADVERTISEMENT
"Hindi po kontra ang i-ACT sa paghahanap-buhay ng mga kapatid natin, ang kotra po kami ay 'yong pagsakop nila sa sidewalk natin na dapat po 'yong mga tao nakakalakad," ani Elmer Argaño ng iACT Team Bravo.

'Paglinis' sa Divisoria
Tinanggal din ang mga tindahang nakapuwesto sa Divisoria sa isinagawang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ng lokal na gobyerno ng Maynila.

Problema naman ng mga tindero na baka malayo at wala gaanong bumili sa lugar na paglilipatan sakanila.

"Bigla kaming aalisin, ang tanong namin saan kami ililipat," anang isang tindera. "Baka naman dalhin kami sa walang bibili"

May isang linggo ang barangay na nakasasakop sa Divisoria na hanapan ng malilipatan ang mga libo-libong apektadong tindahan.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Doris Bigornia
Inter-Agency Council on Traffic
i-ACT
clearing ops
illegal parking
illegal vendor
Metropolitan Manila Development Authority
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT