Lolo na 'supplier' ng droga at 10 iba, huli sa droga sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 06:49 PM | Updated as of Jun 28 2019 10:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang 11 katao sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Muntinlupa City nitong Huwebes. 

Kabilang sa mga naaresto si Hitlito Baldonado o alyas "Dilon," isang 63 anyos na lalaki na sinasabing malaking supplier ng droga sa lungsod. 

Igniit ni Baldonado na tumigil na siya sa pagbebenta ng droga. 

"Dati po nakulong na rin ako sa drugs, pero nagbago na po ako noong (panahon ni) Duterte,” ani Baldonado. 

Sa hiwalay naman na operasyon ay nahuli si Daniel Dedaagon o alyas "Jack," na nagpositibo sa buy-bust operation sa pinagmamay-aring bahay sa San Joaquin Compound. 

Nakuha sa 11 suspek ang buy-bust money at mahigit-kumulang 36 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P220,000. 

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.