Lalaki agaw-buhay matapos barilin sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki agaw-buhay matapos barilin sa Davao City

Bonna Pamplona,
ABS-CBN News
Published Jun 28, 2018 05:18 AM PHT

DAVAO CITY- Kritikal ang kondisyon ng 19 anyos na si Bruce William Yamido matapos pagbabarilin ng mga salarin na nakamotorsiklo sa Davao City nitong Miyerkoles ng gabi.

Naka-angkas ang biktima sa isang habal-habal nang mangyari ang pamamaril sa may kanto ng Peacock Street at Candelaria Street.

Ayon sa isang habal-habal driver, sumakay ang biktima para magpahatid sa isang bahagi ng Candelaria Street pero laking gulat nito nang biglang sumulpot ang dalawang motorsiklo at pagtulungang barilin ang kaniyang pasahero.

Ayon kay Marielle Sabroso, amo ng biktima, wala pang isang oras nang kanyang sunduin ito sa Talomo Police Station matapos inimbestigahan ng mga pulis nang idinawit ito sa kasong pagnanakaw ng mga alahas sa loob ng isang bahay sa Ecoland Subdivision.

Kinumpirma naman ni Chief Inspector Ronald Lao, hepe ng Talomo Police Station, na kanilang inimbestigahan si Yamido dahil siya ang itinuro ng isang menor de edad na kanilang mastermind umano sa pagnanakaw.

Base sa initial investigation ng Talomo police, tinamaan sa leeg, balikat, at dibdib si Yamido na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Sa record ng pulisya, sangkot din umano sa rambol at riot ang biktima.