PatrolPH

Kagawad binaril habang nanonood ng basketball sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2022 08:25 PM | Updated as of Jun 27 2022 09:01 PM

Dead on the spot ang 55 anyos na barangay kagawad ng Capaculan, Milagros, Masbate matapos barilin sa ulo habang nanonood ng basketball tournament sa kanilang lugar nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay Police Major Rustom Dela Torre, hepe ng Milagros Municipal Police Station, binaril sa ulo ang biktimang si Edison Rosero ng isang hindi pa nakikilalang salarin.

"Nakatalikod yung victim habang nanonood ng basketball nang binaril ng gunman pero posibleng may mga backup o iba pang kasama yung gunman sa area," ani Dela Torre.

Walang iba pang nadamay sa insidente.

May dalawang persons of interest na iniimbestigahan sa ngayon ang pulisya.

Isang basyo ng kalibre 45 baril ang narekober ng otoridad sa pinangyarihan ng insidente.

- ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.