Maternity benefits ng SSS papalo sa P70,000 pagsapit ng Enero 2020 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maternity benefits ng SSS papalo sa P70,000 pagsapit ng Enero 2020

Maternity benefits ng SSS papalo sa P70,000 pagsapit ng Enero 2020

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) nitong Huwebes na aabot na sa P70,000 ang maximum maternity financial assistance na maaari nilang maibigay simula sa Enero 2020.

Sabi ni SSS President and CEO Aurora Ignacio, ito ay kasunod ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act at pati na rin ng SSS Act of 2018.

Tumataas daw ang SSS benefits na makukuha ng mga miyembro dahil rin sa ipinatutupad na bagong minimum at maximum monthly salary credit.

Dahil daw dito, aabot sa lagpas doble ang maternity benefit na makukuha ng isang nanay na dating nakakatanggap lang ng P32,000.

ADVERTISEMENT

Ayon rin kay Ignacio, magmula nang maipatupad ang Expanded Maternity Leave Act, umabot na sa higit 122,000 nanay ang nakapag-avail ng dagdag-benepisyo.

Katumbas ito sa P2.67 bilyon na maternity benefits mula Enero hanggang Abril nitong taon, mas mataas ng 15.09 porsiyento sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.