1,000 kahon ng 'toxic katol', nasamsam sa Pasig | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1,000 kahon ng 'toxic katol', nasamsam sa Pasig

1,000 kahon ng 'toxic katol', nasamsam sa Pasig

ABS-CBN News

Clipboard

Tinatayang nasa 1,000 kahon ng hindi rehistradong mosquito repellent o katol ang nasamsam ng Food and Drug Administration (FDA) sa Pasig City nitong Miyerkoles dahil masama umano sa kalusugan ang mga produkto kapag nalanghap.

Kasama ang Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO), inisa-isa ng mga taga-FDA ng stalls sa palengke ng Pasig.

Nagulat ang mga may-ari ng tindahan nang kumpiskahin ang kanilang mga panindang "Wawang Katol" na ilang buwan na umano nila Ibinebenta.

"Kung alam ko lang, bakit ako bibili para magtinda niyan," ani Agakhan Disimban, may-ari ng tindahan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ilang vendors, mabenta ang mga katol brand na Wawang, Baoma, at Gold Deer dahil mas mura ito kumpara sa iba.

"Magaling daw 'yun dahil pagdapo ng lamok, patay na," pagbabahagi ni Julie Cotelo, isang tindera.

"Okay lang, alam na namin na bawal kaya hindi na kami magtitinda," ani Norma Ogsimer, isa pang may-ari ng tindahan.

Sa establisimyento naman sa tapat lang ng palengke, itinanggi pa ng may-ari na nagtitinda sila ng Wawang pero tumambad sa mga awtoridad ang kahon-kahong katol sa kanilang stock room.

Ayon sa FDA, hindi dahil mura o epektibo ang isang produkto ay dapat na itong tangkilikin.

"Itong mga mosquito coils na ito ay bawal ibenta sa Pilipinas dahil hindi registered at may findings na hazardous sa kalusugan," ani Atty. Guillermo Danipog, Jr. ng FDA Regulatory Enforcement Unit.

Sa kabuuan, aabot sa halos 1,000 kahon ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P60,000.

Inaalam pa kung saan nagmumula ang supply ng mga produktong galing China. -Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.