OFW patay sa malaria sa Oriental Mindoro | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFW patay sa malaria sa Oriental Mindoro

OFW patay sa malaria sa Oriental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Colorized image of an Aedes mosquito. This species can transmit multiple diseases. 📷 Credit: NIAID
Colorized image of an Aedes mosquito. This species can transmit multiple diseases. 📷 Credit: NIAID

Muling nakapagtala ng kaso ng malaria sa Oriental Mindoro makalipas ang ilang buwan nang ideklara ng Department of Health na malaria-free na ang naturang lugar noong Pebrero 2023.

Ito'y matapos ianunsyo ni Gov. Bonz Dolor na pumanaw nitong Hunyo 25, Linggo sa isang ospital sa Calapan City ang isang lalaking overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Cameroon.

Ika-19 ng Hunyo nang dumating sa Pilipinas ang pasyente at Hunyo 21 naman sa Oriental Mindoro na agad idiniretso sa isang ospital.

Kinukwestyon naman ni Dolor kung bakit nakarating pa ng Mindoro ang pasyente kahit na sa eroplano pa lang ay masama na umano ang pakiramdam nito.

ADVERTISEMENT

“Nagkasakit na siya andoon pa siya sa lugar kaya nalulungkot kami paano nakalusot... Paano pa siya nakarating ng Oriental Mindoro considering na masama na ang kaniyang pakiramdam sa eroplano pa lang. That, we are asking sa authorities paano nakalusot? 'Di ba ang kasunduan kapag may ganiyang sakit o cases dapat sinasala pagpasok,“ ani Dolor.

Naka-isolate na ang lahat ng nakasalamuha ng nasawing OFW.

Tiniyak naman ng gobernador na nananatiling safe sa malaria ang Oriental Mindoro dahil hindi ito local case.

Ang naturang lamok na nakakagat umano sa pasyente ay hindi matatagpuan sa Mindoro.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.