Ilang mangingisda kontra sa pangingisda ng China sa teritoryo ng Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang mangingisda kontra sa pangingisda ng China sa teritoryo ng Pilipinas

Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published Jun 26, 2019 08:05 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY - Umaalma ang ilang mangingisda dito pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring mangisda sa West Philippine Sea ang mga Chinese sa ngalan ng pagkakaibigan.

Tila daw kasi kinukunsinti ng Pangulo ang pagsasalaula sa ating karagatan at pinapabayaang ma-harass ang mga Pinoy ng mga dayuhan.

"Hindi okay para sa amin kasi hindi naman ito sa kanila, sa atin naman 'to," ani Ricardo Samson.

Nalulungkot din sila na ang mga Pinoy na napapadpad sa teritoryo ng mga kalapit na bansa ay matinding parusa ang kinakaharap.

"Hindi ako papayag ang ibang bansa na magpasok dito sa atin... Natatakot ako tumingin sa kanila kasi doon sa ginagawa nila... Kapag nahuhuli ang mga Bisaya doon sa kanila bugbog-sarado, kapag sila ang nahuli naka-kutson sila,” ani Gaga Samson.

Ang ilang mangingisda sa Palawan, dumayo pa mula Masbate at Cebu City dahil mainam daw pangisdaan ang Sulu Sea at West Philippine Sea, bahagi ng pinag-aagawang South China Sea, dahil sa yaman ng karagatan.

Hindi nga lang daw ito madali dahil maliban sa nakakasagupang sama ng panahon sa laot ay iba’t ibang dayuhang bangka rin ang nakakasalubong.

Mayroon naman daw na maganda ang pakikitungo sa kanila pero iniiwasan nila ang matulad sa 22 mangingisda ng F/B GEM-VER na binangga umano at inabandona sa Recto Bank ng isang Chinese vessel noong June 9.

Naninindigan ang China na hindi sadya ang insidente. May duda naman ang Malacañang sa pahayag ng mga Pilipinong mangingisda.

Base sa huling monitoring ng Armed Forces of the Philippines Western Command (WesCom), mahigit 50 sasakyang pandagat na ang nasa paligid ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea, kumpara sa higit 20 noong nakaraan.

Karamihan ay Chinese at ibang foreign vessels, kasama ng mga mangingisdang Pinoy.

"Noong mga nakaraang buwan, nagri-range siya ng 23 to 28 pero kahapon po ay more than 50. Ang iba daw po ay underway at ang iba ay naka-anchor ... Hindi namin definitely masasabi na nagpi-fishing sila kasi sa sobrang dami rin nila doon," ani Lt. Ronnie Riel Grimpola, hepe ng Public Information Office ng Joint Task Force-West.

Wala naman umanong dapat ikabahala dahil mayroong 9 island detachment sa mga kalapit na isla sa Pag-asa.

Nasa lugar na rin ang BRP Andres Bonifacio at naka-deploy din ang ilang sea at air assets ng Naval Forces West.
Nasa lugar na rin ang BRP Andres Bonifacio at naka-deploy din ang ilang sea at air assets ng Naval Forces West.
ADVERTISEMENT
"Mayroon tayong air asset at 9 island detachment station. Sila po 'yung magkakatuwang na nagbibigay ng information sa atin. So constantly po na 24 hours, 7 days a week may monitoring po tayo," ani Grimpola.

Hindi rin umano nagpapabaya ang WesCom sa kanilang mandatong maprotektahan ang soberenya ng Pilipinas at ang mga mamamayang naninirahan sa pinag-aagawang teritoryo.

Read More:
Tagalog news
fishermen
Pinoy fishermen
mangingisda
West Philippine Sea
China
sea dispute
Rodrigo Duterte
Palawan
AFP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT