4 arestado sa Tondo buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 04:19 AM | Updated as of Jun 26 2019 07:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang 4 katao sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Capt. Val Valencia ng Jose Abad Santos Police, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ukol sa pagbebenta ng droga sa lugar.

Timbog ang target ng operasyon na si alyas Mich na itinuturong supplier ng grupo. Aminado rin sa pagtutulak ng droga ang 3 niyang kasamahan.

Nakumpiska sa kanila ang P32,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, mga tricycle driver at construction worker ang karaniwang parokyano ng grupo.

"Maaaring sabihin nating meron silang financier. 'Yan namang mga 'yan is nagkakaroon ng interes because of easy money. Mabilis silang kumita ng pera riyan so pantustos nila sa araw-araw na pamumuhay nila," ani Valencia.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.