Pati kaanak, malalapit na kaibigan nabigla rin sa pagpanaw ni PNoy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pati kaanak, malalapit na kaibigan nabigla rin sa pagpanaw ni PNoy

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2021 08:06 PM PHT

MAYNILA - Nabigla pati ang ilang malalapit kay dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kaniyang pagpanaw nitong Huwebes.

Ang pinsan niyang si dating Sen. Bam Aquino, sising-sisi dahil hindi nadalaw ang bahay ng dating pangulo sa Times Street nitong Linggo.

"Magka-text kami nung Sunday. Nalaman ko kasi medyo seryoso pinagdadaaanan niya. Sabi ko 'baka puwede kitang bisitahin' tapos sabi niya 'sige' sabi ko next time kapag bumisita si Miguel, ang isang pamangkin niya, sama na ako. Linggo 'yun ano? Hindi ko naman naisip na by Thursday mamamatay na ho siya and 'yung pagsisisi ko is hindi ko na lang pinilit na 'bukas andiyan na ako sa Times'," ani Bam.

Para kay Bam, si PNoy ay isang kuya na puwede niyang makadebate sa politika, at nag-iwan ng maraming leksiyon.
Para kay Bam, si PNoy ay isang kuya na puwede niyang makadebate sa politika, at nag-iwan ng maraming leksiyon.
ADVERTISEMENT
Malaking inspirasyon at karangalan din aniya sa kanilang angkan ang sipag, matuwid, at walang bahid ng korupsiyon na paglilingkod ni Aquino sa bayan.

Nami-miss naman ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares ang kaniyang "target shooting buddy" na nakasanayan na niyang tawagin na "Sir."

"Even after our term ended, tuwing Sabado nagsu-shooting ho kami. So mami-miss ko ho 'yun. Saka pag nagsu-shooting kami para siyang kuya ko," ani Jacinto-Henares.

Ibinahagi niyang matagal na sanang nakapagpa-kidney transplant ang dating pangulo kung pumayag siya rito nang mas maaga.

"Initially ayaw niyang magpa-kidney transplant kasi feeling niya he's depriving some person of something. But sa kakakumbinse sa kanya na 'hindi mo naman siya dine-deprive. In fact parang tinutulungan mo pa nga siya.' Sa huli nakumbinse na siya," ani Jacinto-Henares.

Magka-text pa aniya sila ni Aquino nitong nagdaang weekend, para ipatanong ang brand ng hamon na ipinadala ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada.

Nabigla rin at labis ang panghihinayang ni Sen. Kiko Pangilinan sa pagkawala ng kaibigang ilang dekada niyang nakasama sa pakikibaka.

"Hindi namin aakalain na ganu'n kalubha na aabot sa ganito. Alam namin may sakit, alam namin nagkakaroon ng dialysis, umaasa kami na gagaling siya... Pero hindi iyon ang nangyari kaya nabigla kami at nagulat lang. Masakit, masakit," ani Pangilinan.

Humingi rin ng paumanhin sa publiko si dating Energy Secretary Jose Rene Almendras sa hindi paghahayag sa publiko na may iniindang sakit si Aquino. Aniya, personal na desisyon ito ng dating pangulo na kaibigan niya mula pa noong kolehiyo pa siya.

Ihahatid sa huling hantungan sa Manila Memorial Park ang urn ni Aquino sa Sabado, sa tabi ng puntod ng kaniyang mga magulang na sina dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at dating Pangulo Corazon "Cory" Aquino.

Umaga ng Huwebes nang pumanaw sa edad na 61 ang dating pangulo, na binansagang PNoy sa kaniyang termino, dahil sa renal failure secondary to diabetes.

— Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
PNoy
Noynoy Aquino
PNoy death
Bam Aquino
Kim Henares
Kiko Pangilinan
Jose Rene Almendras
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT