Ilang supporters nagpunta sa Ateneo para sa huling sulyap kay PNoy | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang supporters nagpunta sa Ateneo para sa huling sulyap kay PNoy

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2021 08:32 PM PHT

MAYNILA — Umaga pa lang, nagtali na ng dilaw at itim na laso ang ilang nakikiramay sa dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa bakod ng Ateneo de Manila University kung saan nakahimlay ang kaniyang mga abo.

Anila, pagpapahalaga ito sa mga nagawa ng dating pangulo lalo na sa paglaban sa korupsiyon.

"Maganda na rin po at medyo ang korapsiyon nabawas-bawasan, yan ang dapat naalis sana hanggang ngayon dahil po kami po tulad naming mahihirap sa kakakorap, lalo pong naghihirap," ani Marietta Nilo .

Alas-10 ng umaga nang buksan sa publiko ang simbahan para sa mga nais masulyapan ang mga abong labi ng dating pangulo.

ADVERTISEMENT
Isa rito si Knorby Roquino na nakadilaw mula ulo hanggang paa.

"Sa kabila ng panghuhusga sa mga dilawan hindi nila puwedeng itanggi ang malaking naitulong sa mamayan at sa bansa ni PNoy," ani Roquino.

Dala naman ni Bambi Rodriguez ang aso niyang si Chewy na may dilaw na collar .

"Kasi anak ko siya, kailangan kasama ko siya, this is a part of our history, I just wanted him to be part of it," aniya.

Hanggang alas-10 ng gabi pa ang public viewing sa Ateneo.

Para sa mga hindi makapupunta, may live feed din at may highlights sa Facebook page ng Radyo Katipunan 87.9.

—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
PNoy
Noynoy Aquino
Benigno Aquino III
death PNoy
tribute
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT