Mag-asawang may lampas 100 alagang aso sa Southern Leyte, humihingi ng tulong | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang may lampas 100 alagang aso sa Southern Leyte, humihingi ng tulong

Mag-asawang may lampas 100 alagang aso sa Southern Leyte, humihingi ng tulong

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Donnabel Guinto

Hiling ng mag-asawang sina Donnabel, 43, at Jonathan Guinto, 48, na matulungan sila sa pag-aalaga ng lampas 100 aso sa kanilang bahay at dog shelter sa Hinundayan, Southern Leyte.

“We really need regular sponsors po, donors kasi we are embracing a huge responsiblity now. Need namin financial assistance from anybody who can support us sustain our shelter,” ani Donnabel sa panayam sa ABS-CBN News Miyerkoles.

Ayon kay Donnabel, wala silang anak at tanging pagbebenta ng damit sa kanilang physical at online store lamang ang pinagkukunan nila ng pera para sa kanilang pangangailangan.

“May time na feeling down na talaga ako. Iyak na lang ako nang iyak kasi yung tingin kong makakatulong sa amin, apektado rin sa pandemic. May time na nag-sale na ako ng ilang beses wala rin gaanong bumibili kasi inuuna talaga pagkain,” ani Donnabel.

ADVERTISEMENT

Kwento ni Donnabel, nagkakilala sila ng kanyang asawa sa University of San Carlos sa Cebu City at nagsimula silang magkaroon ng aso na survivor ng landslide sa Guinsaugon noong 2006 at nagpatuloy ito sa pagpapakain at pagdadala nila sa mga abandonadong aso sa kanilang bahay.

“Since college pa kami in Cebu City, we used to feed strays talaga during college days. Paunti-unti lang like tinapay, hati-hati lang, students pa kasi. Then may alaga kami, nasa bahay ng husband ko noon sa Cebu,” ani Donnabel.

Dagdag pa niya, plinano na nilang magkaroon ng sariling dog shelter noon at tinuloy nila ito nang mag-anunsiyo sa kanilang lugar na mangunguha na ng mga pagala-galang aso sa kanilang lugar nitong Pebrero.

“Agad kaming nag-secure ng lote sa isang barrio. Humingi ako ng tulong sa mga friends ko here and abroad para magawan namin ng fence ang area, maka-build ng isang kubo or purok para masilungan sa first batch of captured dogs na ‘di ma-claim ng owner,” kwento ni Donnabel.

Sa ngayon, may 102 aso sa kanilang dog shelter at 35 pa sa kanilang bahay. Ayon kay Donnabel, may tumutulong sa kanilang isang caretaker sa dog shelter para magpakain at maglinis sa sinisilungan ng mga aso.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, kinakailangan ng mga aso ng masisilungan. Ilan pa sa kanilang mga pangangailangan ay ang medication and rehabiltation treatments, pambayad ng veterenarian, sahod ng caretaker, pagkain, pambayad ng kuryente at tubig sa kanilang shelter.

“Very important po na we can provide comfortable shelter for them para healthy sila. No stress, relax and maging happy sila playing around na mabigay namin [ang] ‘di nila nararanasan during palaboy sila. Equal kasi treatment namin sa mga aso, strays or not, with breed or aspins, we love them all.”

Para sa mga donasyon, maaaring sumangguni sa kanilang Facebook page na Furry Tails Hinundayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.