Matinding baha naranasan sa ilang parte ng Metro Manila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matinding baha naranasan sa ilang parte ng Metro Manila

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2019 10:25 AM PHT
|
Updated Jun 25, 2019 07:52 PM PHT

MAYNILA — Matinding pagbaha ang naranasan sa ilang parte ng Kamaynilaan dala ng malakas na ulan buong magdamag ng Martes.

Kabilang sa pinakatinamaan ng baha ang Barangay Roxas District sa Quezon City, kung saan aabot sa tuhod o mas malalim pa ang lebel ng tubig.

Posible umanong umapaw ang kalapit na creek na siyang nagdulot ng pagbaha sa kanilang lugar.

Puspusan sa pagbubuhat ng mga kagamitan ang ilang residente upang hindi malubog sa baha. Mayroon ding sasakyan na lumubog sa tubig.

ADVERTISEMENT
Kinailangan ding lumikas ng ibang residente na apektado ng baha.

Lagpas gutter din at hindi nadaanan ng mga motorista ang Araneta Avenue kanto ng E. Rodriguez sa Quezon City nitong umaga.

Nahuli rin sa naturang lugar ang isang sawa.

Samantala, bumaha rin sa España Avenue sa Maynila.

Pasado alas-8 ng umaga ay humupa na ang baha sa mga nabanggit na lugar.
Pasado alas-8 ng umaga ay humupa na ang baha sa mga nabanggit na lugar.
ADVERTISEMENT
Dahil sa mga naging pagbaha, nagsagawa na ng declogging at dredging operations sa mga estero at drainage sa Kamaynilaan ang Metropolitan Manila Development Authority.

Sa loob ng isang oras, isang trak ng basura ang nahakot sa Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Tumambad din sa mga awtoridad ang tambak ng basura at burak sa bahagi ng Baclaran.

Ayon sa MMDA, nasa 4 na trak ng basura ang nahakot nila sa paglilinis ng naturang drainage. Pero inaasahang dodoble ang volume ng mahahakot na basura pagdating ng tag-ulan.

Bukod sa Kamanynilaan, tinamaan din ng matinding pagbaha ang ilang bahagi ng Bulacan, partikular na ang Marilao kung saan 90 porsiyento ng siyudad ang lumubog sa tubig-baha.

Ayon sa Provincial Risk Reduction Management Office ng Bulacan, galing ang tubig sa San Jose Del Monte. Kulay-putik ang tubig na umabot hanggang hita ang taas.

Sa taas ng tubig ay gumawa pa ng tulay ang isang lalaki para makatawid ang mga residente nang hindi na kailangan lumusong sa baha.

Umulan din sa bahagi ng Angat Dam sa Bulacan, na pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng ilang water concessionaires sa Kamaynilaan pero hindi pa rin ito sapat para maiangat mula sa critical level ang tubig nito. -- Ulat nina Lyza Aquino, Jeck Batallones, at Angel Movido, ABS-CBN News.