5 sugatan sa pagguho ng hukay sa tinatayong gusali sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 sugatan sa pagguho ng hukay sa tinatayong gusali sa Parañaque

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2019 10:57 AM PHT
|
Updated Jun 25, 2019 07:42 PM PHT

MAYNILA — Lima ang nasugatan matapos gumuho ang bahagi ng hinuhukay na lugar na pagtatayuan ng isang gusali sa Barangay San Martin sa Barangay San Martin De Porres, Parañaque nitong Martes.

Pawang mga vendor na natutulog malapit sa hukay ang mga nasugatan sa insidente, ayon kay Domingo Obligar, executive officer ng barangay.

Nahulog umano sa hukay ang mga biktima, na isinugod sa ospital makalipas ng insidente.

Ani Obligar, posibleng lumambot ang lupa sa lugar kaya gumuho ang bahagi ng naturang hukay.
Ani Obligar, posibleng lumambot ang lupa sa lugar kaya gumuho ang bahagi ng naturang hukay.
ADVERTISEMENT
Nagpatuloy din umano ang paghuhukay na sinabayan ng malakas na ulan, aniya.

Pagtatayuan ng walong palapag na gusali ang gumuhong hukay at kino-contract ito ng RJM Construction Corporation.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng kompanya pero tumanggi silang magpa-interview.

Nangako naman silang sasagutin ang gastusin ng mga biktima.

Pinaalis na rin ng barangay ang mga vendor sa lugar at oobligahin na rin nila ang contractor na magdagdag ng safety measures sa lugar. -- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News