2 lalaking hubo't hubad nanloob umano sa tindahan sa Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 lalaking hubo't hubad nanloob umano sa tindahan sa Makati

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Jun 25, 2018 06:04 PM PHT
|
Updated Jun 26, 2018 03:48 PM PHT

MAYNILA - Arestado ang 2 lalaki dahil sa serye ng umano'y panloloob sa isang tindahan ng diving gear sa Makati.

Mayo 27 nang una umanong loobin ng mga suspek ang tindahan nang hubo't hubad para nakawin ang isang kahang may pera.

Makalipas ang higit 3 linggo, nilooban ulit nila ang tindahan suot lamang ang shorts at nakatakip ng t-shirt ang mukha.

TINGNAN: Habang tinatangay ng mga kawatan ang mga pera at gamit sa shop, nakunan ng camera na natutulog ang bantay ng tindahan na nakapuwesto sa harap ng pintuan nito pic.twitter.com/zSd74pPrwr
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) June 24, 2018

Sa halos isang oras sa loob ng tindahan, aabot sa higit P200,000 halaga ng pera, diving gear at swimwear ang nakuha nila.

ADVERTISEMENT
Matapos malimas ang mga gamit, umakyat ang mga lalaki sa ikalawang palapag ng gusali at kumuha ng electric drill.

Ginamit nila ito para ibarena ang doorknob ng fire exit sa ground floor.

Nitong nakaraang Miyerkoles napag-alaman ng pulisya na dating guwardiya sa tindahan ang isa sa mga suspek.

Sila ay naaresto nitong Biyernes. Nakuha sa kanila ang 3 underwater camera at isang diver's watch.

Pinagbabayad ng may-ari ang security agency kung saan kabilang ang isa sa mga suspek.

Tinanggal naman sa serbisyo ang guwardiyang nakita sa CCTV na natutulog habang naka-duty.