P2-M shabu nasamsam sa Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
P2-M shabu nasamsam sa Cebu
P2-M shabu nasamsam sa Cebu
Leleth Ann Rumaguera,
ABS-CBN News
Published Jun 25, 2017 10:05 AM PHT
MANILA - Nakumpiska ang mahigit P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Cebu City nitong weekend.

Unang nakumpiska ang P1.03 milyon halaga ng droga mula sa isang food vendor sa Barangay Duljo, Sabado.

Itinanggi naman ng suspek na si Gloria Dayunot, 54, na pag-aari niya ang pouch na naglalaman ng droga.

Aniya, inabot lang sa kanya ng isang binatilyo ang pouch at sinabing may lalapit sa kanya para kuhanin ito. Hindi rin aniya alam na droga ang laman ng pouch.

Iginiit naman ng imbestigador na si Chief Insp. Christopher Navida na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad si Dayunot dahil sa kanyang mga drug transaction na umano'y umaabot hanggang sa mga katabing barangay.

Samantala, nasamsam din ang P1.065 milyon halaga ng shabu nang salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Bayanihan Village, Quiot, Linggo.

Tatlong indibidwal ang naaresto sa lugar, kasama na ang target ng operasyon na si Joana Quiloan, 20 anyos.

Hinihinalang inaangkat ni Quiloan ang droga mula sa Cebu City hanggang sa katabing bayan ng Lapu-Lapu, kung saan siya naninirahan.

Umamin naman si Quiloan na gumagamit siya ng droga, pero itinanggi niyang nagtutulak siya ng bawal na gamo.