P340,000 halaga ng 'shabu' nasabat sa palengke sa Valenzuela; 2 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 09:26 AM

MAYNILA - Dalawang katao ang naaresto matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng hinihinalang droga sa isang buy-bust operation sa Gen. T. De Leon Market, Barangay Gen. T. De Leon sa Valenzuela City gabi ng Martes. 

Batay sa paunang ulat ng Valenzuela PNP, residente ng Barangay Unang Sigaw sa Quezon City ang dalawang suspek na pawang mga walang trabaho.

Nakipagtransaksyon ang mga pulis para sa P1,000 halaga ng hinihinalang shabu pasado alas-11 ng gabi. 

Nasamsam sa dalawang suspek ang limampung gramo ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawa.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.