Manila traffic enforcer, suspendido sa 'di pagsunod sa protocol sa paghuli | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila traffic enforcer, suspendido sa 'di pagsunod sa protocol sa paghuli

Manila traffic enforcer, suspendido sa 'di pagsunod sa protocol sa paghuli

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakuhanan ng CCTV ang pagbangga ng isang SUV sa motorsiklong sinasakyan ng isang traffic enforcer na humabol sa kaniya dahil sa paglabag. Screengrab
Nakuhanan ng CCTV ang pagbangga ng isang SUV sa motorsiklong sinasakyan ng isang traffic enforcer na humabol sa kaniya dahil sa paglabag. Screengrab

Suspendido ang isang traffic enforcer sa Maynila dahil sa hindi pagsunod sa protocol sa paghuli ng motorista, kahit muntik pa itong masagasaan ng isang SUV driver.

Ayon kay Wilson Chan, chief of operations ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), hindi nag-isyu ng ticket ang enforcer na si alyas "Felix" sa SUV driver at tumanggap pa ng P4,000 danyos para sa kaniyang nabanggang motorsiklo.

"There's a violation na dapat niyang tiketan and then hanapan niya ng OR-CR kung 'yung sasakyan ba ay kaniyang pag-aari. At ang nangyari raw po, nagkaroon ng settlement para doon sa damage ng kaniyang motor kasi nga bumagsak po siya," ani Chan.

Sabado nang habulin ng nasabing enforcer ang SUV driver matapos takbuhan ang red light sa bahagi ng Padre Faura.

ADVERTISEMENT

Naabutan ito sa may Quirino at San Marcelino, pero imbes na tumigil ay nabangga ng driver ang motorsiklo at halos masagasaan ang enforer.

Nang tuluyang mahuli sa may San Andres, hindi tiniketan ng enforcer ang motorista. Sa halip, tinanggap niya ang alok na danyos para sa nabanggang motorsiklo.

Ayon kay "Felix," naawa siya sa driver.

"Noong nakita ko po na... senior na 'yong driver, parang naawa rin ako kasi nangangatog na po," ani "Felix."

"Nakiusap sa akin kung puwede babayaran na lang 'yong danyos sa motor ko. Sa awa ko po, pinagbigyan ko 'yong gusto niyang mangyari. Pero malaking pagkakamali ko doon, pumayag ako at hindi ko tiniketan 'yong driver," aniya.

Aminado sa pagkakamali si "Felix," na walang record ng pangongotong o ano mang ilegal na gawain mula nang mag-umpisa sa trabaho noong 2013.

Payo ni Chan sa mga nahuhuling motorista na tumabi sa kalsada, tanungin ang violation, at tanggapin ang ticket.

Kung naniniwala naman aniyang walang pagkakamali, maaaring dumulog sa tanggapan ng MTPB.

Ayon sa MTPB, patuloy ang imbestigasyon sa insidente katuwang ang Highway Patrol Group.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.