U-turn slot sa Dario bridge sa EDSA, bukas na muli para sa mga motorista | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
U-turn slot sa Dario bridge sa EDSA, bukas na muli para sa mga motorista

ABS-CBN News
Published Jun 22, 2021 06:11 PM PHT

MAYNILA - Binuksan na muli para sa mga motorista ang Dario Bridge sa EDSA, Quezon City.

Kasunod ito ng unti-unting bumibigat na trapiko lalo na ngayong rush hour habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Bahagya pang naantala ang pagbubukas nito dahil hindi agad naikabit ang signages na nagsasabing bukas na ito.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, tinatayang nasa 500 sasakyan kada oras ang makikinabang dito.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, tinatayang nasa 500 sasakyan kada oras ang makikinabang dito.
ADVERTISEMENT
Una itong isinara noong 2020 para bigyang-daan ang EDSA Bus Carousel.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, hindi naman palaging may bus at nakita rin sa pag-aaral na mas makakatulong sa maayos na daloy ng trapiko ang pagbubukas ng u-turn slot.

Mauudlot din aniya ang elevated bus ramp project sa EDSA dahil malaki ang perang kakailanganin dito.

"Sa totoo lang, nangako ako noong araw na gagawa tayo ng elevated bus ramp para mas maganda sana pero aaminin ko sa mga nanonood ngayon, nung pina-compute po namin ang isa, gagastos tayo ng P200 milyon, ang isang intersection ay P400 milyon," ani Abalos.

Ayon pa kay Abalos, ang tunay na sanhi ng pagbibigat ng trapiko ang construction sa MRT common station.
Ayon pa kay Abalos, ang tunay na sanhi ng pagbibigat ng trapiko ang construction sa MRT common station.
ADVERTISEMENT
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa private contractor ng common station para iurong ang kanilang mga bakod nang magkaroon ng karagdagang mga lane ang mga motorista.

Umaabot na sa 382,000 ang bilang ng mga sasakyang dumaraan ng EDSA kada araw, na kaunti lang sa 402,000 noong bago pa tumama ang pandemya.

Plano rin ng MMDA na gawing limang lane ang bahagi ng EDSA-Balintawak patungong Monumento mula sa kasalukuyang tatlong lane para mas mabawasan ang malimit na trapiko rito.

— Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
EDSA
Quezon City
Dario Bridge
elevated bus ramp project
trapiko
EDSA traffic
MMDA updates
traffic updates Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT