TINGNAN: Balyenang napadpad sa dalampasigan, sugatang dolphin naibalik sa dagat | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

TINGNAN: Balyenang napadpad sa dalampasigan, sugatang dolphin naibalik sa dagat

TINGNAN: Balyenang napadpad sa dalampasigan, sugatang dolphin naibalik sa dagat

ABS-CBN News

Clipboard

Isang balyena at sugatang dolphin ang natulungan at naibalik na sa karagatan sa magkahiwalay na insidente sa Antique at Iloilo.

Isang pilot whale o balyena ang napadpad sa dalampasigan ng Barangay Baybay sa Pandan, Antique, Martes ng madaling araw.

Nagtulong-tulong ang mga mangingisda sa lugar para maibalik sa dagat ang napadpad na balyena sa Antique. Contributed photo

Ang balyena ay may haba na 15 talampakan at 2 talampakan naman ang dorsal fin nito.

Matapos masuri ng mga eksperto ay ligtas naman na naibalik sa gitna ng dagat ang balyena sa tulong na rin ng mga mangingisda sa lugar.

ADVERTISEMENT

Ginamot ng awtoridad ang sugat ng dolphin bago ito muling ibinalik sa dagat sa Miagao sa Iloilo. Larawan mula sa Oma Miagao Fisheries Crm

Sa Miagao, Iloilo, nailigtas ng mga mangingisda ang isang sugatang dolphin noong Lunes ng umaga.

Ayon sa Municipal Fisheries Office ng Miagao, nakatanggap sila ng report na may nakitang sugatan na dolphin sa lugar.

Kaagad namang rumesponde ang awtoridad at iniligtas ang dolphin at dinala sa pampang para gamutin.

May haba na 7 talampakan ang dolphin.

Matapos magamot ay kaagad naman na ibinalik sa gitna ng dagat ang dolphin.

— Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.