PatrolPH

Balyenang napadpad sa Davao Oriental pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at May 02 2021 03:47 PM

Balyenang napadpad sa Davao Oriental pumanaw na 1
Namatay ang isang Bryde's whale na napadpad sa dalampasigan ng Mati City, Davao Oriental noong Mayo 1, 2021. Retrato mula kay Darrell Blatchley

Binawian ng buhay ngayong Linggo ang isang adult na Bryde's whale na napadpad sa dalampasigan ng Mati City, Davao Oriental noong hapon ng Sabado.

Ayon sa marine biologist na si Darrell Blatchley, may nakita silang plastic bag sa loob ng tiyan ng balyena pero hindi pa matiyak kung iyon ang sanhi ng pagkamatay.

Sinubukan pa ng mga residente na itulak ang balyena papunta sa dagat sa Barangay Lanca pero nahirapan umano sila dahil sa bigat nito.

Nauna nang sinabi ni Blatchley na kalauna'y namamatay ang halos lahat ng mga stranded na balyena.

Kabilang sa mga sanhi ng pagka-stranded nila ay ang stress o sakit.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.