Alkalde ng Imus hiling ang dagdag na suplay ng COVID-19 vaccine | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alkalde ng Imus hiling ang dagdag na suplay ng COVID-19 vaccine

Alkalde ng Imus hiling ang dagdag na suplay ng COVID-19 vaccine

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Facebook page ni Imus Mayor Emmanuel Malksi

CAVITE — Nananawagan si Imus Mayor Emmanuel Maliksi sa national government ng karagdagang suplay ng bakuna ngayong nananatiling mataas ang kaso ng COVID-19 sa Cavite.

Ayon kay Maliksi, nagpadala na siya ng sulat at “nakipag-ugnayan sa taas” para mabigyan ng alokasyon ng bakuna.

Positibo naman umano ang tugon ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa apela ng lokal na pamahalaan.

"Nananawagan din ako siyempre sa kina (vaccine czar) Sec. (Carlito) Galvez kasi ‘yung mga dumadating na mga bakuna, nakikita natin sa mga TV nagdadatingan pero malaki pa rin ang bulk ng suplay ay napupunta mismo sa NCR (National Capital Region)," aniya.

ADVERTISEMENT

"Kulang na kulang, tingin ko, ’yung suplay na napupunta dito sa Region 4. So, imagine mo, maliit iyon tapos maliit pa iyong pupunta sa Cavite tapos hahatiin pa sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Cavite, maliit talaga ang nakukuha natin," sabi ni Maliksi sa isang online forum.

May bago anyang 16,000 doses ng bakuna sa lungsod ngayong linggo, pero umaasa ang alkalde na masusundan ito agad sa susunod na linggo.

"Sana idire-diretso na iyong suplay na ating matatanggap. Hindi iyong pagkatapos ng isang linggo, hintay uli tapos another week, tuloy na naman. So, nagkakaroon minsan ng confusion iyan," ani Maliksi.

Magmula nitong Linggo, Hunyo 20, aabot sa 8.4 milyon ang nabakunahan kontra COVID-19, batay sa datos na nakalap ng ABS-CBN Investigative and Research Group.

Sa bilang, 6.25 milyon ang nabakunahan ng unang dose, habang 2.15 milyon ang nabakunahan ng ikalawang dose.

ADVERTISEMENT

Aabot sa mahigit 2 milyon ang bilang ng mga natanggap na bakuna sa Metro Manila, batay sa datos. Nasa mahigit 859,000 naman ang natanggap na vaccine doses sa Calabarzon, kung saan napapaloob ang Cavite.

Ayon kay Dr. Cherrie Lyn Tumilba-Boque, ang hospital administrator ng Ospital ng Imus, nasa 39,000 na ang mga nabakunahan sa higit 66,000 na nagparehistro para tumanggap ng bakuna.

Sa ngayon ay tinututukan muna ang pagbabakuna sa mga medical worker, senior citizen, at persons with comorbidities sa Cavite.

"Locally, kasi by provincial, hindi pa kami nabigyan ng signal to vaccinate A4 sa mga nakaraang suplay, kasi po kakaunti ‘yung mga suplay so ang goal natin is ma-vaccinate muna ‘yung A1, 2, 3 du’n sa mga delivery," ani Dr. Tumilba-Boque.

"But sa mga upcoming days, priority pa rin natin ang A1, 2, 3, then on the side, magsisimula na tayo paunti-unti magbakuna ng A4," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tumilba-Boque, may inisyal na 6,000 indibidwal ang nagparehistro bilang bahagi ng A4.

Ayon sa OCTA Research Group, nagpa-plateau o pumapantay lang sa 29 ang arawang kaso sa Imus sa nakalipas na dalawang linggo.
Nasa 41 porsyento ang hospital utilization rate sa lungsod, habang 55 porsyento ang okupado sa intensive care unit.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.