SAPUL SA CCTV: Bus driver ninakawan ng cellphone habang natutulog | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Bus driver ninakawan ng cellphone habang natutulog

SAPUL SA CCTV: Bus driver ninakawan ng cellphone habang natutulog

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa larawan mula sa video na kuha ng CCTV, makikita ang suspek na kinukuha ang cellphone na nakapatong sa tiyan ng natutulog na suspek.

LAOAG CITY – Nakunan ng CCTV sa bus terminal sa lungsod na ito ang pagtangay ng isang lalaki sa cellphone ng natutulog na bus driver.

Sa video na nakunan nitong Lunes ng hapon, makikitang nasa kahimbingan ng tulog ang driver sa upuan sa loob ng terminal nang pasimpleng kinuha ng lalaki ang cellphone na nakapatong sa tiyan ng driver.

Wala namang kamalay-malay ang batang kasama ng driver na nakahiga rin.

Agad nag-report ang driver sa security guard nang mapansin niyang wala na ang kaniyang cellphone.

ADVERTISEMENT

Ayon sa guwardiya ng bus terminal na si Jhun Rey Fernandez, nang sumunod na araw ay bumalik ang suspek sa terminal. Tumambay ito at natulog sa lugar kung saan natangay ang cellphone ng driver.

Dahil sa kahina-hinalang galaw ng suspek at pabalik-balik ito sa terminal, kanilang ni-review muli ang kuha ng CCTV at doon nila nakitang siya nga ang tumangay sa cellphone ng driver.

Tumawag sila ng pulis at hinuli ang 51 anyos na lalaki na itinanggi naman ang paratang sa kaniya.

Hindi na naibalik pa sa biktima ang kaniyang cellphone.

Ayon sa pamunuan ng terminal, posibleng modus ito ng suspek na magpanggap na pasahero para lang makapang-biktima. May mga naire-report na rin umano sa kanila na may mga nawawalang gamit sa nasabing terminal na posibleng kagagawan din ng nahuling suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.