Meat packer sa Iloilo City, aksidenteng nilamon ng meat grinder | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Meat packer sa Iloilo City, aksidenteng nilamon ng meat grinder

Bea Zaragosa,
ABS-CBN News
Published Jun 22, 2019 04:54 PM PHT
|
Updated Jun 22, 2019 09:43 PM PHT

ILOILO CITY—Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos na aksidenteng kainin ng meat grinder habang gumagawa ng ham sa Zone 3, Barangay Mansaya, Lapuz district, Sabado ng umaga.

Tanging ang mga paa hanggang bewang na lamang ni Joemar Jungco ang makikitang nasa ibabaw ng grinder.

Kalahati ng katawan nito ay nasa loob na ng makina.

Ayon sa pulisya, may 2 linggo pa lamang na nagtatrabaho sa frozen food manufacturing company si Jungco na taga-Antique.

ADVERTISEMENT
Paniwala ng kaniyang kasama sa trabaho na si Francis Arevalo na may inabot si Jungco habang umaandar ang makina at aksidenteng sumabit at tuluyang kinain ng grinder.

Nangyari ang aksidente bago magsimula ang shift nila sa trabaho ng alas-8 ng umaga.

Dagdag naman ni Corporal Jennifer Espora ng Lapuz Police Station, ang trabaho ni Jungco ay ang mag-pack ng frozen food at hindi ang maggiling ng karne. Posible umanong napukaw ng makina ang atensiyon nito at kaniyang inusisa kung paano ito gamitin.

Nakipagkasundo na ang pamilya ni Jungco sa kaniyang employer na nangakong aakuin lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa kaniya.