Failon Ngayon: Biyaya sa Donasyon? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Failon Ngayon: Biyaya sa Donasyon?

Failon Ngayon: Biyaya sa Donasyon?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 23, 2019 12:27 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nitong Martes, June 18, tuluyan nang sinampahan ng kaso ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga taong nasa likod ng Kapa Community Ministry International Inc., sa Department of Justice.

Ayon kay SEC chairman Emilio Aquino, maaaring makulong ng 7 hanggang 21 taon ang lalabag sa Securities and Regulation Code.
Pero ang tanong: bakit ngayon lang naisampa ang kaso kung kailan aabot na raw sa 5 milyong miyembro ang nakapagbigay ng donasyon sa Kapa?

Paliwanag ni Aquino: “We go back March 2017, first advisory ng SEC. There were cases filed for estafa in Bislig. Over 100 investors but eventually na-settle kasi apparently nga meron siyang fund source na nabayaran na niya yung mga dati. I came in a chairman June 2018. I started checking in, ano ba itong Kapa lumalabas pa rin. Nag-case build up kami that’s why we came up sa cease and desist order, February 14, 2019. We revoked ang kanyang certificate of registration by May. It took a while to take the freeze order . . . We are trying to get as many so the freeze order came. Finally lumabas siya ng June 4 I think.”

Sa usapin naman kung nagkulang ang gobyerno, sagot ni Aquino: “On our side at least we took preemptive actions in this case. Unlike sa Aman (Futures), there was a CDO. The order came after the collapse.”

ADVERTISEMENT

Kritikal din ang papel ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng mga investment scams. Ayon sa SEC, hindi lang dapat bigay nang bigay ng permit sa isang organisasyon ang mga lokal na ehekutibo. Dagdag ni Aquino: “Well, it doesn't have to be securities expert to know hindi feasible ang 400% return per month. If in doubt, call us. Hindi natin payagan na ituloy-tuloy kasi as the day goes maraming nasusunog na investors, yun ang kawawa.”

Ngayong tigil-operasyon ang Kapa, hawak din ng gobyerno ang kanilang mga ari-arian. Tanong ngayon ng mga myembro: kung hindi man makabalik ang kanilang simbahan, ang perang inilagak sa Kapa ay makukuha pa ba nila?

Kinompirma ng tagapagtatag ng Kapa na si Pastor Joel Apolinario sa ekslusibong panayam ng "Failon" Ngayon na wala munang "blessing" na matatanggap ang mga myembro. Aniya: “Wala po dahil kung mag-operate po tayo huhulihin lang naman tayo so hindi tayo makapagbigay. So ang sasabihin ko lang po sa ating Presidente na ‘wag nang ipasara ang Kapa dahil po almost 5,000 ang empleyado ko na ngayon ay wala na po silang sweldo.”

Ayon sa DOJ, maaari namang mabawi ang perang inilagak ng mga miyembro sa Kapa. Pahayag ni DOJ Sec. Menardo Guevarra: “Kapagka nakita na natin si Pastor Apolinario at ang kanyang mga kasamahan ay pupwedeng pag-usapan ng maayos kung papano ibabalik systematically kasi meron namang records lahat yan, di ba? But for as long as Mr. Apolinario is out there and he's not communicating with the government, paano natin maibabalik yun? Kung hindi maibigay yung ipinangako na 30% interes buwan-buwan at least yun man lang principal amount or yung tinatawag na donation ay mabawi kasi kawawa itong mga taong ito.”

Ang frozen assets naman daw sa mga bangko ni Apolinario ay maipaparte lamang sa mga myembro kung sila ay magsasampa ng kaso. “Any ordinary case kailangan talagang magreklamo kasi (kung) hindi po kayo magrereklamo, ano pong makukuha niyo? You have to assert a certain right of action and of course the court will grant you your prayer,” paliwanag ni Aquino.

Tatagal ng 6 na buwan ang freeze order sa mga assets ni Apolinario bago makapag-file ng forfeiture claims.

Payo naman ng financial expert na si Armand Bengco sa publiko, magsaliksik muna sa papasuking investment: “Dapat i-check sa SEC kung registered ang company. Pangalawa, dapat registered silang mangolekta ng investment. Pangatlo, kung may produktong ibenebenta dapat rehistrado ang produkto na iyon. At huli, dapat iyung magbebenta ng produkto ay lisensyado.”

Patuloy naman daw magmamanman ang gobyerno sa mga grupong mag-aalok ng investment.

Umaasa naman ang mga myembro gaya ni Rejane Morales na makukuha nila ang donasyon na ipinagkaloob sa Kapa. Ayon sa kanya: “Kung maipasara po sana ang Kapa, sana po ibalik na lang po sa mga tao yung donation po namin o yung pera po amin na inilagay po sa Kapa. Kasi hindi naman po lingid sa kaalaman niyo na may mahihirap doon na sumali, nagbakasakali na makakain man lang ng 3 beses sa isang araw. Hindi naman po kami naghahangad ng sobra. Yung sapat lang po. Mabuhay lang po sa pang-araw-araw.”

_____________________________________

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado, alas-11 ng gabi, pagkatapos ng PBB Otso sa ABS-CBN.

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas-2 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook page: http://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.

I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at IWant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.com.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.