3 estudyante, tiklo sa paggamit ng ‘damo’ sa paaralan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 estudyante, tiklo sa paggamit ng ‘damo’ sa paaralan

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Jun 22, 2019 09:54 AM PHT

NAGA CITY - Tatlong high school students ang arestado matapos mahuling gumagamit ng marijuana sa loob ng kanilang paaralan nitong Biyernes.

Sa kuwento ng roving guard na nakahuli sa tatlo, sa loob ng comfort room una niyang nakita ang dalawang estudyante. Napansin niyang kakaiba ang mga galaw nito.

“Nagduda naman ako dahil nakita ko may tinago siya. At parang nagulat siya. Nag-decide akong pasukin sa CR. Mausok pa nangangamoy talaga. Tapos nag-attempt siyang tumakas, takbuhan ako. Hinuli ko siya,” ayon sa guwardya.

Dinala ang tatlong estudyante sa opisina ng principal.

ADVERTISEMENT
Isa sa tatlo ang nakunan ng itim na pouch na naglalaman ng improvised pipe, lighter, at nakabalot sa pinunit na papel ng notebook ang dried marijuana.

Nasa kustodiya na ng City Social Welfare Development Office ang dalawang menor de edad habang ang 18-anyos na estudyante ay dinala sa police station.

“Umamin na gumamit nga daw sila. Iniimbestigahan natin ngayon kung saan galing ‘yung marijuana,” sabi ni Police Senior Master Sergeant Tobias Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office.

Ayon sa 18-anyos sa estudyante, nayaya lang daw siya ng dalawang kaklase.

Nag-ambag daw siya ng P20 galing sa kaniyang baon para mabuo ang P100 na ipinambili ng marijuana.
Nag-ambag daw siya ng P20 galing sa kaniyang baon para mabuo ang P100 na ipinambili ng marijuana.
ADVERTISEMENT
May mga CCTV sa gusali sa paaralan na aktibo rin sa mga programa laban sa ilegal na droga.

Pero dahil sa nangyari, ayon sa principal, maaaring kulang pa ang kanilang ginagawa.

“Gawan ng paraan, programa kung pano ma-synchronize... 'yung out of curiosity ng mga estudyante at 'yung mekanismo na ginagawa namin na pagpa-intindi sa kanila, awareness sa bagay na ito. Ito ang gusto naming bigyan ng pansin ngayon... We should not just be reactive. Tinitignan natin na baka may kulang pa rin tayo,” ayon sa principal ng paaralan.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa sa tatlong binata.

Hindi ito ang unang insidente ng estudyanteng nahuling gumagamit ng illegal na droga sa paaralan.
Hindi ito ang unang insidente ng estudyanteng nahuling gumagamit ng illegal na droga sa paaralan.
ADVERTISEMENT
Pero sisiguruhin umano ng public high school na hindi sila nagpapabaya. Dodoblehin din daw nila ang pagbabantay sa mga estudyante.