Presyo ng diesel sa Borongan, Eastern Samar pumalo na ng P100/litro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng diesel sa Borongan, Eastern Samar pumalo na ng P100/litro

ABS-CBN News
Published Jun 21, 2022 02:08 PM PHT

Umaabot na sa P100 kada litro ang presyo ng diesel sa isang gasolinahan sa Borongan City, Eastern Samar.

Sa kuha ng netizen na si Daniel Promeda Osita, makikitang nasa P100.05 na ang presyo ng diesel doon kada litro.

Ito'y matapos magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kompanya ng petrolyo ngayong Martes.

Pumapalo naman sa mahigit P96 ang presyo kada litro ng gasolina sa naturang lugar.
Pumapalo naman sa mahigit P96 ang presyo kada litro ng gasolina sa naturang lugar.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Daniel, bagamat dismayado ay inaasahan na niya na aabot sa P100 ang litro ng diesel sa kanilang lugar.

Dagdag pa niya, hindi na nakapagtataka ang taas-presyo dahil nararansan din daw ito sa ibang bahagi ng mundo.

Problema lang daw para sa kanya ang malaking diperensya ng presyo ng gasolina sa Borongan City kumpara sa ibang bayan at siyudad sa Eastern Visayas.

“Ang magagawa na lang natin eh itaas din ang presyo ng mga produktong binebenta ko. Kawawa ang mga manggagawa na hindi tumataas ang sahod, lalo na kung iyong mga walang sahod," aniya.

—Ulat ni Jenette Ruedas
KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT