Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Davao de Oro | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Davao de Oro

Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Davao de Oro

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 21, 2022 10:20 PM PHT

Clipboard

DAVAO DE ORO — Patay ang isang barangay chairman sa pamamaril sa Barangay Andili sa bayan ng Mawab ng lalawigang ito, Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Elizalde Malcampo, chairman ng Barangay Kinuban sa karatig-bayan ng Maco.

Batay sa testimonya ng mga nakakita, galing umano sa Andili Elementary School ang biktima kung saan inihatid niya ang kaniyang apo.

Pero noong pauwi na si Marcampo sakay ng motorsiklo, sinundan umano ito ng mga armadong nakasakay sa itim na XR motorcycle na walang plate number.

ADVERTISEMENT

Tinabihan ang biktima ng mga suspek at pinagbabaril umano nang walong beses.

Isinugod pa sa Davao Regional Hospital ang biktima, pero namatay kalaunan.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya sa mga responsable ng krimen.

- ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.