Mahigit P40,000 halaga ng ilegal na kahoy, nakumpiska sa Surigao del Sur | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit P40,000 halaga ng ilegal na kahoy, nakumpiska sa Surigao del Sur

Mahigit P40,000 halaga ng ilegal na kahoy, nakumpiska sa Surigao del Sur

Charmane Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakumpiska sa isang joint anti-illegal logging operation ang kabuuang 1,919.28 board feet ng mga ilegal na forest product gaya ng lawaan, yakal at almasiga, Miyerkules ng hapon sa Sitio Nangka, Cabangahan at Cabas-an, Cantilan, Surigao del Sur.

Ito ay may market value na mahigit sa P38,000.

Habang ibinabiyahe ang mga nakumpiskang ilegal na kahoy, naharang din ng awtoridad ang mga pinutol na kahoy ng manga-manga species na nagkakahalagang mahigit P4,000.

Nasa kustodiya na ng lokal na Department of Environment and Natural Resources ang mga nakumpiskang kahoy. Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa may-ari ng mga kahoy.

ADVERTISEMENT

Ang nasabing operasyon ay inilunsad ng 36th Infantry Battalion, 1302nd Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 13, at CENRO-DENR Cantilan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.