Ibinentang grocery mula sa nasunog na mall sa Davao, di na puwedeng kainin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Ibinentang grocery mula sa nasunog na mall sa Davao, di na puwedeng kainin

Chrislen Bulosan,
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2018 09:09 PM PHT
DAVAO CITY—Ininspeksiyon ng Davao City Health Office ang mga grocery items na nanggaling sa nasunog na NCCC Mall matapos mapabalitang ilegal na ipinagbebenta ang mga ito.

Lumalabas sa imbestigasyon na 3 kontraktor sa scrap materials sa nasunog na mall ang nagmamay-ari at nagbebenta ng mga nasabing produkto.

Ayon kay Curtiz Lazzaraga, ang inspector for sanitation ng City Health Office, for diposal na ang mga pagkaing ipinagbebenta at hindi na puwedeng kainin pa dahil posible itong magdulot ng sakit.

"This is supposed to be thrown away or disposed because this came from a fire. These food items have been exposed to extreme heat so di na siya wholesome," aniya.

Dumayo pa galing sa ibang barangay si JR Ybañez para bumili ng mga produkto nang marinig sa mga kakilala na halos kalahati sa presyo ng mga ito.

Si Mary Anne Paez naman, nakabili ng pakete ng noodles sa halagang P5 at chichirya sa halagang P2. Pero sabi niya, medyo wala na itong lasa.

Sa ipinalabas na press release ng NCCC Mall, nakasaad na wala silang binigyan ng permiso na magbenta ng kanilang mga grocery items.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang 3 kontraktor na dawit dito.

Sa panayam ng City Health Office sa mga kontraktor na may-ari, aabot na sa halos P15,000 ang halaga ng lahat ng naibenta.

Mensahe naman ng City Health Office sa lahat ng mga bumili sa tindahan, huwag nang kainin pa ang mga nabiling pagkain.