Pinoy seafarer nawawala sa barko sa Norway | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy seafarer nawawala sa barko sa Norway

ABS-CBN News
Published Jun 20, 2023 07:33 PM PHT

TAGKAWAYAN, Quezon -- Nawawala ang isang Filipino seafarer habang naglalayag sa karagatan ng Norway may ilang na araw na ang nakalilipas.

Ayon sa ama ng seaman na taga-Tagkawayan, Quezon, June 16 nang makatanggap siya ng tawag mula sa agency ng anak na si Vincent San Diego na nawawala umano ito sa barko.

Mayroon din umanong tumawag sa kanya na kasamahan ng anak sa barko at sinabing hindi nagre-report ang anak sa kanyang duty.

Nagsagawa naman umano ng search and rescue ang mga kasamahan at tauhan ng barko subalit hindi nakita si San Diego.

ADVERTISEMENT
Ayon sa tatay, naniniwala siyang totoong nawawala ang kanyang anak at gusto niya itong tulungan subalit hindi niya alam ang kanyang gagawin.

Nanawagan ito sa mga awtoridad na matulungan sila sa problema at maimbestigahan ang pangyayari.

Ayon pa sa tatay, base sa kanilang huling pag-uusap ng anak ay papauwi na sana ito ngayong linggo upang magbakasyon at hinihintay lamang ang papalit sa kanya sa barko.

Nagtungo na sa Maynila ang asawa ni Vincent na si Daisy upang lumapit sa Department of Migrant Workers at POEA upang humingi ng tulong.

Hangad ng pamilya ni Vincent na maimbestigahan ang pangyayari at mahanap si Vincent.

--Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT