Lalaki patay matapos tagain ng palakol ng pinsan sa Iloilo | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay matapos tagain ng palakol ng pinsan sa Iloilo

Lalaki patay matapos tagain ng palakol ng pinsan sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

DINGLE, Iloilo - Patay ang isang lalaki matapos tagain ng pinsan gamit ang palakol sa Barangay Abangay, Dingle, Iloilo Sabado ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Dennis Jayme, 48 taong gulang at nakatira sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Dingle Police, habang natutulog sa sofa ang biktima sa kanilang sala ay bigla itong pinasok ng pinsan at biglang hinataw ng palakol sa dibdib.

Kaagad naman na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor matapos magtamo ng malubhang sugat sa dibdib.

ADVERTISEMENT

Mabilis na tumakas ang salarin matapos gawin ang krimen pero nahuli ito sa isinagawang hot pursuit operation ng awtoridad.

Samantala, nasa kustodya na ng Dingle Police ang salarin at nakatakdang sampahan ng kasong murder.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa motibo sa krimen.

- ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.