Drayber patay matapos tumaob ang minamanehong loader sa GenSan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Drayber patay matapos tumaob ang minamanehong loader sa GenSan

ABS-CBN News
Published Jun 20, 2019 02:58 AM PHT

GENERAL SANTOS CITY - Patay ang isang drayber matapos tumaob ang minamanehong loader sa isang quarry site sa Barangay Tinagacan, General Santos City Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Arante Dadivas.

Base sa imbestigasyon ng Police Station 8, naglo-load ng buhangin ang biktima sa isang stockpile na may taas na 50 talampakan.

Bigla umanong namatayan ng makina ang loader habang pababa ang biktima kaya nawalan siya ng kontrol. Nahulog sa gilid ng stockpile ang sasakyan at tumaob ito.

ADVERTISEMENT
Inabot ng halos 2 oras bago naalis si Dadivas na naipit sa loader. Hindi na siya umabot ng buhay nang dalhin sa ospital.

Ayon kay Police Capt. Robert Fores, hepe ng Police Station 8, aksidente ang nangyari sa biktima. Nangako naman na magbibigay ng tulong ang kompanyang pinagtatrabahuan ni Dadivas.

Dinala ng mga kaanak ang mga labi ng biktima sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat. - Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News