Dating bise-alkalde sa Sultan Kudarat, arestado sa raid | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating bise-alkalde sa Sultan Kudarat, arestado sa raid

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Jun 19, 2018 07:11 PM PHT
|
Updated Jun 19, 2018 08:05 PM PHT

TACURONG CITY—Arestado sa raid ng pulisya ang dating bise alkalde ng bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat na si Ustadz Mauya Tungkay, matapos makunan ng mga baril at bala sa bahay nito sa Barangay San Pablo sa siyudad na ito.

Sa bisa ng 2 search warrant, hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Tungkay madaling araw Lunes.

Ayon sa tagapagsalita ng Tacurong City Police Station na si Police Senior Inspector Ronalyn Domider, may intel report na natanggap ang pulisya tungkol sa umano'y ilegal na droga at ilegal na baril sa bahay ng target.

Nagnegatibo sa ilegal na droga ang raid, pero nang halughugin pa ang kuwarto ng target, nakuha sa aparador at kama ang 2 kalibre-.45 baril na may mga bala.

ADVERTISEMENT
Tumangging magbigay ng pahayag si Tungkay.

Ayon kay Barangay San Pablo kagawad Rodolfo Jacob, na malapit din sa suspek, malabo umanong masangkot sa ilegal na droga si Tungkay. Pero hindi umano nito ipinagkakailang may baril ito, bilang proteksyon sa sarili. May nagbabanta umano sa buhay ni Tungkay. Tatlong taon na itong nakatira sa barangay at aktibong lider din sa lugar.

Gayunman, sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions si Tungkay.

Naka-3 termino si Tungkay bilang bise alkalde sa Lambayong, Sultan Kudarat, simula noong 1987, hanggang 1995.

Read More:
Sultan Kudarat
Tacurong City
bise alkalde
illegal possession of firearms and ammunitions
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT