Mabini mayor, 2 kapatid arestado dahil umano sa ilegal na baril, pampasabog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mabini mayor, 2 kapatid arestado dahil umano sa ilegal na baril, pampasabog

Mabini mayor, 2 kapatid arestado dahil umano sa ilegal na baril, pampasabog

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado si Mabini, Batangas Mayor Nilo Villanueva at kanyang mga kapatid sa magkakasunod na raid na isinagawa sa kanilang mga bahay nitong Sabado ng madaling-araw, dahil umano sa ilegal na pag-iingat ng mga baril at pampasabog.

Ang raid ay sa bisa ng mga search warrant na iniisyu ni Antipolo City RTC Branch 74 Executive judge Mary Josephine Lazaro.

Unang sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Villanueva, bandang 4:37 ng madaling araw sa Villanueva Compound sa Sitio Silangan, Barangay Sto. Tomas, Mabini, Batangas.

Nakumpiska sa kanya ang isang maliit na camouflage design pouch na naglalaman ng hinihinalang explosive device.

ADVERTISEMENT

Nahaharap si Villanueva sa paglabag sa RA 9516 or Law on Explosives.

Bandang 4:20 ng madaling araw naman ng salakayin din ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR at Special Action Force ang bahay ng kapatid ni Villanueva na 46 anyos, dating pulis sa Sitio Pook, Barangay Pulong Niogan, Mabini, Batangas.

Nakumpiska sa kanya ang mga baril, umano'y hand grenade, at 16 piraso ng mga bala.

Ikatlong sinalakay ng mga awtoridad bandang 5:24 ng umaga ang bahay ni Bayani Villanueva sa Sitio Silangan, Barangay Sto. Tomas.

Si Bayani Vilanueva ay barangay chairman at president ng Association of Barangay Chairman sa Mabini.

ADVERTISEMENT

Nakumpiska sa kanya ang ilang baril, 10 bala at isang unit ng MK2 Hand fragmentation grenade.

Sinalakay din bandang 5:30 ng umaga ang bahay ng isa pang kapatid ng alkade sa Sitio Kanluran, Barangay Sampaguita pero wala siya nang isagawa ang operasyon.

Nakumpiska sa kanyang bahay ang isang baril at 10 piraso ng mga bala.

Ang operasyon ay bahagi ng Oplan Paglalansag Omega na isang flagship project ng CIDG.

Dinala si Mayor Villanueva at dalawang kapatid sa Camp Crame sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

Sinusubukan na ng ABS-CBN News na kausapin ang abogado ni Mayor Villanueva.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.