PatrolPH

Barangay chair sa Dumaguete patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 12:34 PM

Patay ang isang barangay chairman sa Dumaguete City matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin noong gabi ng Martes.

Nakaupo sa harap ng outpost ng Barangay Tinago bandang alas-9:30 ng gabi si chairman Harrison Gonzales kasama ang ilang kagawad nang pagbabarilin ng mga salaring sakay ng motorsiklo, ayon sa pulisya.

Nakasakay sa motorsiklo ang bawat isa sa 4 na salarin, na nakasuot din ng face mask, ayon sa imbestigasyon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ang 52 anyos na biktima, na idineklara umanong dead on arrival sa ospital.

Nakuha sa crime scene ang 8 empty cartridge at 2 slug ng isang pistol.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.

-- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.