Magsasaka, nalunod sa irigasyon sa Ilocos Norte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magsasaka, nalunod sa irigasyon sa Ilocos Norte

Magsasaka, nalunod sa irigasyon sa Ilocos Norte

Ria Galiste,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang magsasaka sa Ilocos Norte matapos malunod sa irrigation canal sa Barangay Paratong sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

Nag-alala ang pamilya ng biktimang si Maximiano Ligsay nang malamang hindi ito nakauwi noong Biyernes ng gabi.

Nang hanapin nila, nakita nila ang bangkay nito sa irrigation canal nitong Linggo.

Base sa imbestigasyon, posible umanong inayos ng biktima ang lambat na gagamitin pero dahil malakas ang agos ng tubig, hindi agad niya ito naayos at pumulupot sa kaniyang paa.

ADVERTISEMENT

"Yun siguro 'yung sanhi ng pagkalunod niya, hindi na siya nakatayo," paliwanag ni Police Captain Eddie Suyat, hepe ng Paoay Police.

Walang foul play na nakita sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.