22 anyos huli habang 'ibinubugaw' ang ex sa mga banyaga online | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

22 anyos huli habang 'ibinubugaw' ang ex sa mga banyaga online

22 anyos huli habang 'ibinubugaw' ang ex sa mga banyaga online

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi na nakapalag pa sa otoridad ang isang 22 anyos na lalaki matapos arestuhin sa kanilang bahay sa barangay Palawig, San Andres, Catanduanes madaling araw ng Martes.

Sa report na inilabas ng Bicol PNP, inirereklamo kasi ang suspek ng dating kasintahan na isang 18 anyos at Grade 11 na estudyante, na sapilitan siyang pinaghuhubad sa harap ng camera at pinapagawa ng malalaswang bagay habang nanonood ang mga parokyano nitong pawang mga banyaga.

Aniya, makailang ilang beses umano siyang binabantaan ng dating nobyo na ipapakalat ang kanyang mga hubad na larawan at video kung hindi niya gagawin ang kagustuhan nito.

Dagdag pa niya, 15 anyos pa lamang siya nang una siyang isangkot sa ganitong gawain.

ADVERTISEMENT

Ang kanyang dating nobyo mismo ang nakikipagtransakyon sa mga parokyano gamit ang pekeng Facebook account na nakapangalan sa biktima.

Kumpiskado rin sa operasyon ang 2 cell phone, iba’t-ibang sim card, dancing o disco light at iba pang kagamitan.

Sa paghahanap ng mga operatiba ng ilan pang electronic gadgets ay natagpuan sa isang 1 pakete ng hinihinalang marijuana at pitong pakete ng naglalaman ng hinihilang shabu.

Kabilang sa mga kakaharapin ng suspek ay ang kasong paglabag sa RA 9208 o Anti Trafficking in Persons Act na may kaugnay sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

"Hindi natin pahihintulutan ang kahit na ano mang gawaing lumalabag sa karapatang pantao, ang batas ay narito upang magdikta sa parusang kanilang dapat kaharapin at kami bilang kawani ng PNP ay mahigpit na ipapatupad ang mga batas na ito," ani Bicol PNP Regional Director Police Brig. Gen. Jonnel Estomo.

-- Ulat ni Karren Canon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.