Bangkay ng OFW mula Australia natagalan ang pag-uwi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng OFW mula Australia natagalan ang pag-uwi

Isay Reyes,
ABS-CBN News
Published Jun 16, 2018 12:34 PM PHT
|
Updated Jun 17, 2018 08:10 PM PHT

MANILA - Dumating na sa bansa ang labi ng isang Filipina nurse na namatay sa isang banggaan sa Australia, Sabado, halos isang buwan matapos mangyari ang malagim na insidente.

Namatay ang nurse na si Sheena Katrina Landagan at isa pang Pilipinang naka-base sa Australia noong ika-25 ng Mayo nang mabangga ang sinasakyan nitong kotse papunta sa isang religious gathering sa Melbourne.

Inabot ng 2 linggo bago naiuwi ang labi ni Landagan.

Dagdag ng ina ng namatay, nangako ang gobyerno na sasagutin ang mga gastusin sa pagbabalik ng bangkay ng biktima sa Pilipinas.

Ngunit dahil sa tagal ng pagdating ng tulong ay ang employer na lamang ni Landagan ang nagbayad upang maiuwi ang mga labi ng nurse sa bansa.

"She's just merely working as a nurse sa ibang country to help her family, at the same time help the country pero wala. OFW (overseas Filipino worker), may contribution 'yan sa ating bansa pero wala (dumating na tulong)," sabi ni Zeny Landagan, ina ng biktima.

Ayon naman sa DFA, sa Australia pa lang, kausap na ng Embahada ang pamilya ni Sheena ukol sa proseso ng pagpapabalik ng mga labi nito sa Pilipinas.

Natagalan umano ang pag-release ng labi ni Sheena dahil kailangan pang imbestigahan ang aksidente na ikinamatay niya at tingnan kung kailangan pa ng coroner's inquiry.

Handa rin umano ang DFA na sagutin ang repatriation ng mga labi ni Sheena sa Pilipinas pati na ang pamasahe ng kanyang ina kung hindi ito sinagot ng kanyang employer.

Sa kabila nito, nagparating ng pakikiramay ang DFA sa pamilya Landagan.

"We again would like to extend our heartfelt sympathies to the family of our kababayan Sheena Landagan," ayon sa DFA sa isang pahayag.

"As we stand with them in their time of grief, we in the Department of Foreign Affairs would like to reassure Sheena’s loved ones that we remain ready to assist them the way the Philippine Embassy in Canberra and the Consulate General in Sydney assisted by working closely with her employer, the Calvary Hospital in Canberra, in bringing her home and reuniting her with her loved ones in the Philippines."

Nakasuhan na ang Australian national na nakabangga sa sinasakyang kotse ni Landagan.

Hiling ng pamilya ng biktima na sana ay makatulong rin ang gobyerno upang makamit ang hustisya para sa namatay nilang kaanak.

Read More:
Tagalog news
Australia
DFA
accident
OFW
PatrolPH
TV Patrol
TV Patrol Weekend
TV Patrol Top
Isay Reyes
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT