Mga bahay at tindahan sa Zamboanga del Sur, napinsala dahil sa buhawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bahay at tindahan sa Zamboanga del Sur, napinsala dahil sa buhawi

ABS-CBN News
Published Jun 15, 2023 05:46 PM PHT

Nasira ang ilang bahay, tindahan, at piggery sa Barangay Baculot sa bayan ng Tambulig, Zamboanga del Sur nang sinalanta sila ng buhawi nitong Miyerkoles ng hapon.

Nakuhanan ng video ng residente ang buhawi malapit sa sakahan habang umuulan.

Kita naman sa mga larawang kuha ni Lovely Asdulo ang pinsalang iniwan ng buhawi, kung saan makikita ang mga wasak na bahay at nagtumbahang puno ng kahoy.

"Napakalakas ng hangin at tinamaan ang bahay ng lola ko at tindahan ng aking tito," sabi ni Asdulo sa ABS-CBN News.
"Napakalakas ng hangin at tinamaan ang bahay ng lola ko at tindahan ng aking tito," sabi ni Asdulo sa ABS-CBN News.
ADVERTISEMENT
Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office, 9 na bahay, isang sari-sari store, at isang piggery ang napinsala sa tatlong purok ng barangay.

Nagsagawa na ng clearing operations ang mga rescuer sa lugar.

Tinatayang aabot sa P314,000 ang halaga ng pinsala ng pananalasa ng buhawi.

— Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT