Ilang kalsada sa Maynila isasara para sa marathon sa Linggo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang kalsada sa Maynila isasara para sa marathon sa Linggo

Ilang kalsada sa Maynila isasara para sa marathon sa Linggo

ABS-CBN News

Clipboard

Isasara ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila para sa isang marathon na gaganapin sa Linggo, Hunyo 19.

Ayon sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magkakaroon ng mga road closure at rerouting sa ilang bahagi ng lungsod para sa Rock ‘n’ Roll Running Series marathon.

Isasara sa trapiko mula 3 a.m. hanggang 9 a.m., at mula 3 p.m. ang mga sumusunod na kalsada:

  • Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue
  • Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive
  • Katigbak Drive at South Drive
  • Independence Rd.
  • P. Burgos Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge
  • Ma. Orosa St. mula P. Burgos hanggang Kalaw
  • Finance Rd. mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue
  • Northbound lane ng Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang P. Burgos Avenue
  • Muralla St. mula Sta. Lucia St. hanggang Real St.
  • Real St. mula Muralla St. hanggang Sta. Lucia St.
  • Sta. Lucia St. mula Real St. hanggang Muralla St.
  • Quintin Paredes St. mula Jones Bridge hanggang Ongpin St.

Para sa mga light vehicles na mula sa northbound lane ng Taft Avenue na dadaan sa P. Burgos Avenue, maaring kumanan sa Ayala Boulevard para makarating sa kanilang destinasyon.

ADVERTISEMENT

Ang mga manggagaling sa Ma. Orosa Street at dadaan sa P. Burgos Avenue, maaring kumanan sa Kalaw Avenue papunta sa Taft Avenue.

Kung manggagaling naman sa A. Mabini Street, maari ring kumanan sa Kalaw Avenue papunta sa Taft Avenue. Mula sa Pasay papuntang Roxas Boulevard, maaring dumaan sa P. Ocampo Street.

Mula sa Delpan Bridge, maaring kumaliwa sa A. Soriano Avenue papuntang Magallanes Drive.

Para sa mga trak at heavy vehicles, mula Delpan Bridge, maaring dumaan sa Anda Circle papunta sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard papuntang C-3.

Para sa mga manggagaling sa Pres. Quirino Avenue, maaring dumaan sa Nagtahan Bridge papuntang Lacson Avenue.

Dagdag pa ng MMDA, maari pang magbago ang oras ng pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada depende sa magiging bigat ng trapiko sa mismong araw ng marathon.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.