Bangkay ng 4 magkakamag-anak natagpuan sa bahay sa Biñan, Laguna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng 4 magkakamag-anak natagpuan sa bahay sa Biñan, Laguna

ABS-CBN News
Published Jun 15, 2021 03:22 PM PHT
|
Updated Jun 15, 2021 08:03 PM PHT

(UPDATE) Natagpuan ngayong Martes ang mga bangkay ng isang mag-anak sa loob ng kanilang bahay sa Biñan, Laguna, at hinihinalang ang salarin ay ang padre de pamilya.

Ayon kay Col. Vanie Martinez, hepe ng Biñan police, lumalabas na ang padre de pamilya ang nagmasaker sa kaniyang live-in partner at mga anak na 7 at 1 taong gulang.

FLASH: 4 na bangkay isang pamilya kabilang ang 2 bata na may edad na 7 anyos at 1 anyos natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna @ABSCBNNews
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) June 15, 2021

Pero kukumpirmahin pa raw ito ng autopsy report at Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Ayon sa kapitbahay na si Melissa Loza, tuwing alas-6 o alas-7 ng umaga kasi ay nagbubukas na ng tindahan ang babae at lumalabas ang mga bata para maglaro.

Pero nitong Martes, bandang alas-2 ng hapon na ay sarado pa ang bahay kaya kinabahan si Loza, na nakahanap sa mga bangkay nang pumunta sa bahay.

Sa inisyal namang imbestigasyon ng SOCO, matigas na ang bangkay at tuyo na ang mga dugo ng mag-anak kaya marahil ay madaling araw pa nangyari ang pagpatay.

Wala naman daw narinig na ingay o pag-aaway ang mga kapitbahay maliban sa iyak ng bata bandang alas-11 ng gabi noong Lunes.

Ayon sa kapitbahay, minsang naikuwento sa kaniya ng babae ang problema nila ng padre de pamilya.

May mga anak daw sa unang asawa ang lalaki at tila problemado sa pagsuporta sa 2 pamilya.
May mga anak daw sa unang asawa ang lalaki at tila problemado sa pagsuporta sa 2 pamilya.
ADVERTISEMENT
Nakontak na ng mga opisyal ng barangay ang mga kaanak ng mga nasawi.

Dinala na rin sa punerarya ang labi ng mag-anak at doon isasailalim sa autopsy.

-- Ulat nina Dennis Datu at Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
Editor's note:
May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.

Narito ang kanilang hotline numbers:
Narito ang kanilang hotline numbers:
ADVERTISEMENT
Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776